Tama na!

Tama na

Layuan mo na ako

Kanina ka pa

Lapit ka ng lapit a!

Sinusubukan ko ng lumayo

Pero pilit kang dumidikit

Ayoko nga sayo e, Hindi mo ba maunawaan?

Dahil ba naka-shorts ako?

Kahit anong taboy ko sayo mas lalo kang lumalapit

Didikit pa talaga sa balat ko e no?

Nagawa kong palitan ng mas mainam na kasuotan

Para ako ay tigilan

Tama na, ang sakit sakit na

Nakakaiyak na.

Hindi ka ba makuha sa isang tabuyan lang?

Layuan mo na ako! Tama na..

Kahit saan ako mapunta sumusunod ka

Mga bulong mo sa aking tenga, nakakainis na

Hindi ka ba talaga titigil?

Nakakasakit ka na

Kapag hindi mo ko tantanan

Baka ako ay magkasakit pa

Hindi ka talaga hihinto ‘gat di ako mag “Aray”

Layuan mo ako, pakiusap tama na

Kulang pa ba ang ginawa ko?

Hindi paba sapat?

Nagspray na nga ko e para lumayo ka lang

Gusto ko na matulog, magpahinga

Lamok lumayas ka!

Tama na!!!

#HugotLamok

 

Advertisements

13 thoughts on “Tama na!”

      1. mabango kamo ang dugo mo ha ha ha…baka si Edward Cullen yang lamok hahahaha

        “Your scent is like a drug to me, like my own personal brand of heroin”

        bwahahahahah

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s