Bakit ba ako nandito?

Sinusubukan kong tapusin ang mga write ups ko na na-tengga na sa Drafts. Isa to inumpisahan ko. Ako ay napangiti nang nakita kong pamagat lang pala ang naisulat ko dito. LOL.Β Bakit nga ba ako nandito?

Sa apat na taon ko dito, patunay lang na hindi pa rin klaro sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito. Nakita ko naman ang mga pagbabago sa buhay ko. Ang ilan dito ay maganda pero hindi rin makakaila na meron or mas marami ata yung hindi maganda. I do not want to sound complaining about my life. But if I will be honest with you, mas marami ata ang masakit na nangyari dito.

OFW. Di ko naman siguro kelangan pa isa isahin ang hirap ng isang OFW. Talaga naman kasing para tayong lage nasa battle, laban ng laban. Hangga’t kaya, sige lang. Pero dumarating talaga yun mga oras na hindi mo mapigilan hindi maging malungkot at alalahanin mga naiwan mo sa Pinas.

Dinadaan nalang yan sa tawa at sa panonood ng Koreanovela. Aba mahilig naman kasi talaga ako dyan. Bukod sa ang popogi nila at makikinis, talaga naman maganda ang stories ng mga Korean series lalo na pagdating sa pag-ibig. Ang pure kasi. Kaya marami ang nawiwili dito dahil lahat naghahangad ng fairy-tale love story. LOL πŸ™‚

SoΒ Bakit ba ako nandito? :

  1. Dahil kay Papa

Lahat ng mga OFW ang major reason nila ay ang makatulong sa family financially. Syempre yun din dahilan ko, di ako gaya-gaya HAHA pero alam naman natin na ang hirap talaga ng buhay sa Pinas, diba?

Pero isa sa mbigat na dahilan ko kaya ako nandito ay dahil gusto ko makasama si Papa. Bata palang ako OFW na ang parents ko. Broken family din ako dahil din dyan. Hindi ko naman sila masisi pero isa akong product ng broken family. Kung maganda siguro ang buhay namin noon, hindi na kailangan mang-ibambansa ang Mommy. Oo, sya ang unang umalis. 6years old ako noon. Sad truth, hindi ko talaga na experience yung Mommy-daughter moment. Kasi naririnig ko lang sya sa voice tape pa noon. Nararamdaman lang sya sa mga packages, yung pakiramdam na binabalot nya yung mga padala nya sa amin. Di pa uso skype noon and hindi pa techy mga tao. So, buwan ang hihintayin bago mabasa mga sulat namin.

Mahirap ba yun? Aba syempre hindi… hindi ko makaka-ila. Mahirap at masakit. Sa picture mo lang sya napagmamasdan. Kinailangan rin umalis ng Papa, that time ako ay nasa High School na. Third year HS ata ako noon. Pero dahil nga nagkakalabuan na rin sila Papa noon, umalis din si Papa pero ibang bansa din. At dito na nga yun sa Aruba.

Marami na ang nangyari pero gusto ko din linawin na wala akong galit sa mga magulang ko. Tanggap ko na at mahal ko sila kahit ano pa man ang mga naging desisyon nila sa buhay. Bilang isang anak, ayaw ko isumbat sa kanila ang mga naging pagkakamali din namin dahil wala sila sa tabi namin upang gabayan kami. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan.

Ang haba na nito no? Andyan ka pa ba? So to make it short, I wanted to feel having parents beside you. Kasi matagal tagal namin di naramdaman yun. Maniniwala kaba kung ang tanging dasal ko lang noon bata bata pa ako ay ang magkaroon ng ‘family picture’? Simple lang siya pero malalim, mahirap makamit. πŸ™‚

Sa kagustuhan ko mapalapit sa magulang ko dahil sa paniniwala na magiging kumpleto ako pag maramdaman ko na kasama ko sila, nagdecide ako na magtrabaho na din abroad. At alam mo ba na hindi naging madali sa akin iwan ang comfort zone ko? Dun ako nagkamuwang, nagkaroon ng kaibigan, nagmahal at minahal at nagkatrabaho na akala ko hindi pa enough.

Dahil kay Papa kaya ako nandito. I want to be closer to him. Pero alam mo ba na malungkot ako? Hindi ko kasi alam if na-aapreciate nya yun. Hindi ko alam if ramdam nya na mahal ko sya. Hindi ko alam if proud ba sya sa akin. Siguro one day, malalaman nya din na kahit ganito ako ngayon. Nasa bahay lang ako ngayon isang buwan na, jobless. HAHA balang araw magiging proud din sya sakin.

So, may isa pa akong prayer. Si mommy naman. Bago man lang ako magsettle down (naks! ikakasal na ang bata), maranasan ko naman ang Mommy-daughter bonding. Sapat na siguro ang kay Papa, though alam kong kulang pa. Pero I know Papa loves me at mga kapatid ko, lahat ginagawa nya para sa amin. Alam ko na kahit hindi man sya showy, mahal na mahal nya pa rin kami.

2. Para sa kanya

Maarte.’para sakanya pa’ nalalaman. HAHA. Nakilala ko dito ang mapapangasawa ko. So, kaya ako nandito ay para makilala ko sya. O diba? Ang magbabago ng takbo ng buhay ko at apelyido ko. Boom! Wait… wag nalang makasiguro baka pagdating sa dulo hindi rin pala matuloy at sasama na rin ako sa mga organisasyon ng mga single na sumisigaw ng “Walang Forever”

3. God alone

All for God’s glory. Nandito ako para patunayan na kahit na anong hirap ng buhay hindi pa rin magbabago ang katotohanang ang Diyos at tapat kailanpaman. Mahirap maging katulong kahit na tapos ako ng pag-aaral. Pero dahil nga kelangan ko mag-comply sa rules nila dito, tiniis ko. Sa mga panahon na iniiyak ko ito sa Kanya, isa lang napatunayan ko. Never ako iniwan ng Diyos. Sa bawat patak ng luha at pagtawa ko Sya lang ang nagiisang may alam ng tunay na laman ng aking puso. Sige seryoso na to. HAHA Basta ang sinasabi ko langh. Bakit ko nakakya lahat? Kasi andyan si Lord.

Kung binabasa mo pa din ito, salamat po. Naapreciate ko po ng sobra. God bless you!

-Princess in Aruba

Advertisements

3 thoughts on “Bakit ba ako nandito?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s